^

Police Metro

Pork barrel hindi na kasama sa 2015 budget

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na maibabalik sa ilalim ng 2015 national budget  ang kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund.

Ito ang siniguro ni House Speaker Feliciano Belmonte matapos na idineklara na ito ng Korte Suprema na labag sa batas o unconstitutional kaya dapat nila itong sundin.

Hanggat maaari ay iiwasan din nilang maisingit sa 2015 budget ang lump sum na pondo sa ibat ibang ahensiya na pang tugon sa pangangailangan ng kanilang constituents.

Naniniwala rin si Belmonte na sapat pa ang kanilang panahon para paghandaan ang paglalatag ng proyekto ng bawat kongresista na ipapaloob sa budget para sa susunod na taon.

Magugunita na sa ilalim ng 2014 budget, tinanggal na ang isang linya ng lump sum ng pork barrel matapos umalma ang iba’t ibang sektor at bumigay ang Malakanyang sa pressure ng publiko.

BELMONTE

BUDGET

HANGGAT

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KORTE SUPREMA

MAGUGUNITA

MALAKANYANG

NANINIWALA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with