PNP inutil vs riding-in-tandem criminals
MANILA, Philippines - Dapat paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa mga elementong kriminal na gumagamit ng motorsiklo o riding-in-tandems para mabawasan kung hindi kayang hadlaÂngan ang ganitong sistema ng pagpaslang.
Ayon kay Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) secretary general Rodel Pineda, panahon na para pag-isipan ng Kongreso kung paano mahahadlangan ang ganitong estilo ng krimen lalo kung totoo ang datos na noong 2013 ay lima katao ang namatay kada araw sanhi ng riding-in-tandems o 1,800 katao bawat taon.
“Tutol ang mga mamÂbabatas na ipagbawal ang riding-in-tandems dahil labag ito sa karapatang pantao pero bakit hindi sila makaisip ng tamang solusyon para maputol na ang mga krimen ng riding-in-tandems?†ani Pineda.
“Sa nangyari lang sa top race car driver ng Pilipinas na si Enzo Pastor noong Huwebes, dapat mag-isip-isip na ang mga nasa Kongreso at PNP. Paano kung sila mismo ang maging biktima, saka lang sila kikilos?â€
Ayon sa 4K, maganda ang panukala ni Quezon City Rep. Winston Castelo noong nakaraang Kongreso na magkakaloob ng poder sa PNP na gumamit ng estratehikong patakaran laban sa riding-in-tandem criminals pero hindi ito inaksiyunan ng mga mambabatas.
“Ni hindi pinansin ng mga mambabatas ang HB (House Bill) 5720. Hanggang ngayon, nagbubulag-bulagan sila sa katotohanan na parami nang parami ang napapatay ng riding-in-tandems sa buong bansa,†giit ni Pineda.
“Kung ayaw nilang ipagbawal ang riding-in-tandems, bakit hindi nila ipanukala na obligahin ang paglalagay ng malaking plate number sa helmet ng mga nagmomotorsiklo?â€
Naunang ipinanukala ni Mayor Joseph Estrada na ipagbawal ang riding-in-tandems sa Maynila pero maraming sektor ang tumutol partikular ang mga grupong Motorcycle Rights Organization at Arangkada Riders Alliance.
- Latest