^

Police Metro

Arraignment vs. Corona, ipinagpaliban ng Tax Court

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling ipinagpaliban ng Court of Tax Appeals ang pagbasa ng sakdal kay dating Chief Justice Renato Corona kaugnay ng kinakaharap na tax evasion case.

 Hindi natuloy ang arraignment kay Corona  dahil  mayroon pang  nakabinbing  mosyon ang kampo nito  na dapat resolbahin ng tax court hinggil sa motion to quash na naisampa  noong Mayo 28 at may naka-pending pang motion to review na pina­reresolba sa Department of Justice.

 May naisampa ring motion for reconsideration si Corona nang idismis ng Tax Court 2nd division ang mosyon na mapagsama-sama ang kanyang tax case sa iba pang tax cases na naisampa sa kanya  na nakabinbin sa iba pang dibisyon ng CTA.

 Itinakda ang susunod na arraignment sa August 27, 2014. Si Corona ay nahaharap sa P120.5 million tax liabilities dahil sa hindi umano pagdeklara ng tama sa kanyang kita sa income tax returns nito noong taong 2003, 2004, 2005, 2008 at 2010.

Ilan sa sinasabing di naideklarang yaman ni Corona bukod sa bank deposits ay ang condominium unit sa Columns sa Ayala Avenue na may halagang  P3.6 million noong 2004 at lupain sa Fort Bonifacio na may halagang  P9.16 million noong 2005. Si Corona  ay natanggal sa puwesto bilang punong mahistrado sa pamamagitan ng impeachment noong 2012.

AYALA AVENUE

BONIFACIO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

COURT OF TAX APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

SI CORONA

TAX

TAX COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with