MANILA, Philippines - Handa na umanong kumanta ang sinasabing utak ng land grabbing syndicate sa Cogeo, Antipolo City upang kilaÂlanin kung sinu-sino ang mga retiradong opisyal ng pulisya ang nagbibigay sa kanya ng proteksiyon pati sa kanyang pagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod.
Ayon sa opisyal ng Pagrai Homeowners Association & Alliance na si Joel Abelende, nagtatago ngayon ang isang alyas Apol na dating police major matapos lumabas ang ulat na mayroon itong “drug diagram†na kinilala ang lahat ng sangkot sa inoo-operate nitong land grabbing, drug trafficking, prostitution at gun-for-hire syndicate.
Nabatid na nagtatago lang si alyas Apol sa Binangonan (Rizal) at kung minsan ay sa Project 4 (Quezon City), pero may feeler na itong ipadadala.
Dati na rin inireklamo si alyas Apol ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa kanyang criminal activities tulad ng pagmamantine ng hired killers na pumaslang sa mga pangulo ng ibang homeowners associations at pagtitingi ng shabu sa mga stallholders sa Cogeo.