Meralco lineman binaril sa poste

MANILA, Philippines - Mistulang isang ibon na nahulog mula sa poste ang isang Meralco lineman nang ito ay barilin habang namumutol ng mga iligal na koneksyon ng kuryente o jumper sa Port Area, Maynila kahapon ng umaga.

Ang biktima na ginagamot sa Manila Doctors  Hospital ay kinila­lang si Jobylen Salazar na nagtamo ng  tama ng bala sa braso.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga sa 13th St., Port Area ay nagpuputol ng kuryente ang biktima nang makarinig na lamang ng putok ng baril ang tatlong police escort nito at kasunod na ang pagkahulog ng biktima mula sa itaas ng poste.

Nagsagawa naman ng follow-operation ang mga otoridad, kabilang ang pagsuyod sa mga kalapit na gusali subalit, bigong matagpuan ang sniper.

Show comments