Mister binaril sa harap ng bahay

MANILA, Philippines -  Patay ang isang mister nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang nagpapahangin ang una sa labas ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Gener Ian Rosacay, 35, residente ng #724 Barrio Concepcion, Brgy. 188, Tala sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril sa ulo, habang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspect na  may taas na 5’7”, kayumanggi, mataba, nakasuot ng bull cap at gray polo shirt, kung saan  mabilis na tumakas matapos ang insidente.

 Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulis­ya, naganap ang insidente dakong alas-7:54 ng umaga sa labas ng bahay ng biktima habang ito ay nagpapa­hinga at nagpapahangin nang bigla na lamang dumating ang suspect at niratrat ito.

  Inaalam naman ng pulisya kung ano ang negosyo ng biktima, may nakaaway ba ito at iba pang impormas­yon upang mabatid ang motibo sa naturang krimen.

 

Show comments