^

Police Metro

Power crisis, tinututukan ng Pangulo

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Malacañang na nakatutok si Pangulong Benigno Aquino III sa problema ng power supply lalo’t bumagsak ang isang power plant na pangunahing pinagkukunan ng kuryente sa Luzon.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., araw-araw ay nakatutok si Pangulong Aquino sa problema ng enerhiya at palagi siyang mayroong komunikasyon kay Energy Sec. Jericho Petilla.

Aniya, hindi nagpapabaya ang gobyerno sa problemang ito at pilit na hinahanapan ng solusyon upang huwag makaranas ng brownout sa Luzon.

Maging sa problema sa water supply ay nakatutok din si Pangulong Aquino matapos mapaulat na bumaba na ang water level sa Angat Dam.

“Batid natin na ang tumututok naman diyan ay si Secretary Rogelio ‘Babes’ Singson at pinag-uugnayan lahat ng mga may kinalaman sa water supply,” sabi pa ni Coloma.

 

ANGAT DAM

ANIYA

BATID

ENERGY SEC

HERMINIO COLOMA JR.

JERICHO PETILLA

LUZON

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SECRETARY ROGELIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with