MANILA, Philippines - Pumanaw ang isa pang miyembro ng PhiÂlippine Army na kabilang sa 32 nasugatan sa naganap na sunog at pagsabog sa storage ng mga bala at eksplosibo sa himpilan ng Phil. Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kamakailan.
Kinilala ang nasawing sundalo na si Master Sergeant Ferdinand Rafal, 51-anyos na nagtamo ng 80% na pagkasunog sa katawan ay binawian ng buhay bandang alas-8:48 ng gabi noong Martes sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Una nang idineklarang namatay noong Mayo 9 si Corporal Bernabe Mota sa AFP Medical Center sa Quezon City matapos namang magtamo ng 65Â% ÂÂna pagkasunog sa kaniyang katawan.
Magugunita na noong Mayo 7 ay nasunog at nagkaroon ng serye ng pagsabog sa storage room ng mga eksplosibo at bala sa Explosives and Ordnance Disposal (EOD) Battalion sa loob ng compound ng Army Support Command sa Fort Bonifacio, Taguig.