MANILA, Philippines - Nais ng isang grupo ng mga magsaÂsaka sa Pangasinan na paimbestigahan kay Presidential Assistant on Agriculture and Food.
Security Management Sec. Francis Pangilinan ang isang babaing opisyal ng National Irrigation AdmiÂnistration (NIA) dahil sa umano’y biglang pagyaman nito tulad ni Janet Lim–Napoles at napapabalitang nalululong pa sa casino gabi-gabi.
Ayon kay Samahan ng mga Magbubukid ng Binmaley (SMB) President Rogelio Cruz, makikipag-ugnayan sila kay Pangilinan para agad maimbestigahan ang naturang opisyal
na kilala sa tawag na “Donya.â€
Nagtataka umano sila na hindi naman mayaman ang kanilang kababayan na si Donya, suÂbalit biglang naging marangya ang buhay nito nang makapasok sa NIA, may limang taon pa lamang ang nakakalipas.
Kontodo anya alahas na pawang mga brilÂyante pa umano ang suot nito mula tenga, leeg, kamay, daliri at bukung-bukong na kung saan araw-araw
sa pagÂpasok nito sa opisina ay pinag-uusapan siya ng mga kawani.
Kataka-taka din aniya ang kakayahan nitong bumili ng kotseng Jaguar gayung kakarampot lamang ang suweldo nito sa NIA.
Ipinasisilip rin anya nila kay Pangilinan ang
Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN nito noong bago siya pumasok sa NIA at ang bagong file na SALN nito lamang 2012 at 2013.