Sa report ng ILO... 12-M Pinoy walang trabaho

Nagmartsa sa kahabaan ng España Boulevard sa Maynila ang libong militanteng manggagawa upang magtungo sa Mendiola Bridge malapit sa Malacañang para humiling ng dagdag na sahod at kapakanan ng mga manggagawa.-EDD GUMBAN-  

MANILA, Philippines - Base sa 2014 report ng International Labor Organization (ILO) ay may kabuuang 12 milyong Pinoy sa bansa ang nabatid na walang trabaho,
sa kasalukuyan at ang Pilipinas ang siyang may pinakamataas na unemployment rate sa lahat ng bansang kasapi Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa tala ng ILO na ang mga walang trabaho sa Pilipinas ay  pumalo na sa 7.3 percent, base na rin Global Employment Trends.

Sumunod sa Pilipinas ang Indonesia na may 6 percent, Brunei 3.7 percent, Burma 3.5 percent, Malaysia 3.2 percent, Singapore 3.1 percent, Vietnam 1.9 percent, Laos 1.4 percent, Thailand 0.8 percent at Cambodia na may 0.3 percent ang unemployment rate.

Sa record ng ILO sinasabing, tumaas ng 5-milyon ang jobless ngayon taon kumpara noong nakalipas na 2013.

Karamihan sa mga walang trabaho ay may edad na 18-25 na umaabot sa 53.3 percent, 25-34 ay 25 percent at  35-40 ay 17.7.

Kabilang sa mga walang trabaho sa kasalukuyan ay ang mga na-retrench na may kabuuang 10.4 percent, mga nag-resign sa kanilang hanapbuhay ay13.5 percent at ang first-time-job seekers ay 3.5 percent.

 

Show comments