MANILA, Philippines - Aksidenteng nabaril ng isang pulis ang kanyang sarili sa loob ng kanyang barracks kamakalawa sa Sipalay City, Negros Occidental.
Ang pulis na hindi na umabot ng buhay sa ospital matapos na tamaan ng bala ng kanyang baril sa bibig na tumagos sa kaniyang ulo ay kinilalang si PO2 Joery Ayo, 36, ng Police Community Relations ng Sipalay City Police Station.
Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi habang nilinis ng biktima ang kanyang 9 MM Glock pistol sa loob ng barracks sa likuran ng kanilang himpilan nang aksidente nitong makaÂlabit ang baril na tumama sa kanyang bibig.