Bank manager tinodas na sinunog pa
MANILA, Philippines - Binaril at sinunog ang isang Bank Manager sa loob ng bangko na pinagtatrabahuhan nito sa bayan ng Ibajay, Aklan kahapon ng umaga.
Ang biktimang si GabÂriel Manikan, resiÂdente ng Poblacion, Ibajay, ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib at idineklarang dead-on-arrival sa Ibajay District Hospital. Ayon sa report ng Ibajay Police, una silang nakatanggap ng report dakong alas-6:15 ng umaga na nasusunog ang Ibajay Rural Bank sa Brgy. Poblacion ng naturang bayan kaya naman agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection at naapula agad ang sunog dakong alas 6:45 ng umaga kung saan dito na nadiskubre ang sunog na katawan ng biktima.
Sa imbestigasyon, lumabas na alas-2 ng madaling-araw ay nagtungo ang biktima sa nasabing bangko para mag-audit, ngunit nasabayan ito ng dalawang di kilalang suspects sa pagpasok sa bangko. Maaari umanong nasubaybayan ng mga suspects ang biktima.
Nadiskubreng nawaÂwala ang P163,000 sa bangko habang nabigo naman ang mga ito na matangay ang P2 milÂyong halaga.
Sinisilip ng pulisya ang anggulo ng inside job habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
- Latest