MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga suspek ang apat na miÂyembro ng isang pamilya sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa isang liblib na lugar sa bayan ng BongaÂbong, Oriental Mindoro.
Ang nasawing mga biktima dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 ay kinilalang sina Hector Saulong, 50; mga anak na sina Rick Rick, 25; Stephanie, 23; at Prince Clarence, 2, apo ni Hector.
Masuwerteng nakaligtas ang misis ni Hector na si Josephine, 43, dahil sa nakapagtago ito sa loob ng banyo na nasa labas ng kanilang bahay.
Ayon kay Oriental Mindoro Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Ronaldo de Jesus, dakong alas-8:30 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang bahay ng pamilya na matatagpuan sa Sitio Tubigan, Brgy. Labunan, Bongabong.
Sa salaysay ni Josephine nang marinig niya ang mga putok ng baril ay hindi siya lumabas ng banyo at nang sumilip sa siwang ay nakita niya ang apat na kalalakihan na tumatakas at isa rito ay kanilang kamag-anak.
Dalawang anggulo ang sinisilip sa motibo ng krimen, una ay alitan sa lupa at ikalawa ay perÂsonal na galit dahil sa naunang pagpatay ng kanila mismong kamag-anak sa panganay na anak ng pamilya Saulong noong nakalipas na 3 buwan.
Isinailalim na sa protective custody ng pulisya ang nakaligtas sa krimen.