Napoles sinupalpal ng CA

MANILA, Philippines - Supalpal si Janet Lim Napoles sa Court of Appeals nang ibasura ang isinampang petition for certiorari na kumukuwestiyon sa pagsasampa sa kanya ng kasong serious illegal detention sa Makati Regional Trial Court kaugnay sa pagdetine sa whistleblower ng pork barrel fund scam na si Benhur Luy.

Sa desisyong isinulat ni CA Associate Justice Ramon Garcia, pinagtibay ng CA ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na nagsasabing may probable cause para siya ay sampahan ng serious illegal detention case matapos iligal na ikulong si Luy nang mahigit tatlong buwan.

Sinabi ng CA na wala silang nakikitang dahilan para baligtarin ang naging ruling ng DOJ at tinukoy pa na walang batayan ang argumento ni Napoles na nagkaroon umano ng grave abuse of discretion sa panig ng Makati Regional Trial Court nang magpalabas ito ng warrant of arrest laban sa kanya at sa kanyang kapatid na si Reynald Lim.

Nabigo rin ang kampo ni Napoles na maghain ng kaukulang pleading sa Makati RTC para kwestiyunin ang inilabas nitong warrant of arrest.

Matatandaang si Luy ay na-irescue ng  mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso ng nakaraang taon mula sa kustodiya ni Napoles.

 

Show comments