Habang natutulog... Ginang ginilitan ng selosong lover
MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na ginang ang nasawi nang pagsasaksakin ng kanyang lover at dalawang kasama nito habang mahimbing na natutulog kamakalawa ng gabi sa Brgy. Milagrosa, Calamba City.
Ang biktima na idiÂneklarang dead-on-arrival dahil sa mga tinamong saksak partikular sa leeg ay kinilalang si Jasmin de Guia, residente ng nasabing lugar.
Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Noli Pedelino, 47, live-in partner ng biktima at tubong Pola, Oriental Mindoro habang patuloy pa ring pinaghahanap ang dalawa nitong kasabwat.
Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang biktima nang pasukin siya ng lover at dalawa nitong kasamahan at pagtulungang pagsasaksakin.
Nagsitakas ang mga suspek at may nakakita kay Pedelino na may bahid ng dugo sa damit bunsod upang ikasa ang operasyon.
Nabatid sa pulisya na matinding selos ang motibo ng pagpatay sa ginang ng kanyang lover.
- Latest