Mag-asawang Tiamzon mabubulok sa bilangguan-PNP
MANILA, Philippines - Inihayag ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP –CIDG) Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong na matibay ang kasong kriminal laban sa mag-asawang itinuturing na top 1 at top 2 na lider ng CPP-New People’s Army (CPP-NPA) na sina Benito at Wilma Tiamzon kaya’t mabubulok ito sa bilangguan.
“Confident di na makaÂkalabas, very strong, we will sustain yung offensive, nakita nyo background ni Wilma Tiamzon, twice sya tumakas, she is actually a flight risk, di basta-basta pakawalan ng court,†ani Magalong.
Anya, matibay ang ebidensya ng PNP at maÂging ng AFP sa mag-asawang lider ng mga rebeldeng komunista kabilang na rito ang mga mass graves ng mga biktima ng summary execution na pinaslang ng mga ito sa hinalang espiya ng gobyerno at nagtratraydor sa kilusan.
“Very, very strong yung case naming especially yung mga warrants of arrest, revisiting cases, dun sa Leyte, review cases pa sa Quezon, at sa ibang lugar, Visayas, maganda rito pieces of evidence ay intact, napakaÂlakas ng case,†giit pa ng opisyal.
Ang mag-asawang Tiamzon ay nakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos ang mga itong ibiyahe sa Maynila kasunod ng kanilang pagkakaaresto noong Marso 22 ng hapon sa Alonguinsan, Cebu.
Nasamsam mula sa mag-asawa ang apat na handgun at dalawang granada gayundin ang dalawang tuta at isang pusa.
- Latest