Sundalo dedo, 4 sugatan sa NPA ambush
MANILA, Philippines - Isang sundalo ang nasawi habang nasugatan ang apat niyang kasamahan makaraang pagbabarilin ng mahigit sampung miÂyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sinasakyan nilang military truck sa naganap na ambush kamakalawa sa Brgy. Azpetia, Prosperidad, Agusan del Sur.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Technical Sergeant Godofredo Baladad. Habang nasugatan ang apat na kasama na kinabibilaÂngan ng dalawang enlisted personnels (EPs) ng PhiÂlippine Army at dalawang CAFGUs.
Sa ulat, dakong alas-11:45 ng umaga ay lulan ang tropa ng 9th Special Forces Company (SFC) ng KM450 truck patungo sa Brgy. San Martin, Prosperidad upang sunduin ang mga kasamahan nilang sundalo nang tambangan ng mahigit 10 armadong rebelde.
Sa bugso nang pagpapaulan ng bala ng mga rebelde ay nasapul si Baladad na siyang kumitil sa buhay nito habang sa kabila ng sugatan ay mabilis na nagdepensa ang tropang gobyerno.
Matapos ang mahigit limang minutong pagpapaulan ng putok ay nagsitakas ang mga rebelde patungo sa hilagang direksyon ng kagubatan sa lugar.
- Latest