^

Police Metro

Graduates, ‘di obligadong mag-toga -DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na hindi obligado ang mga graduates sa elementarya at high school na magsuot ng toga sa kani-kanilang graduation.

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali na patakaran nilang gawing simple ang graduation rites sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Umali, sa halip na toga, maaari namang magsuot na lamang ng uniporme ang mga magsisipagtapos sa kanilang graduation.

Aniya, wala ring dapat isiping bayarin ang mga magulang sa graduation dahil may umiiral silang “no collection policy”.

Nilinaw din ni Umali na  pinahihintulutan naman ng gobyerno ang Parents-Teachers Association (PTA) na ma­ngolekta ng pondo ngunit hindi naman aniya ito sapilitan.

Iginiit rin ni Umali na bawal umupa pa ng lugar sa labas ng pampublikong paaralan para sa graduation.

Kung may mga paaralan aniya na lumabag sa natu­ rang panuntunan ay maaaring magreklamo sa DepEd sa pamamagitan nang pagtawag sa 633-1942 o 636-1663 o mag-text sa 0919-4560027.

Una nang itinakda ng DepEd ang graduation ceremonies sa mga pampublikong paaralan sa Marso 27 at 28.

vuukle comment

ANIYA

ASSISTANT SECRETARY TONISITO UMALI

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

GRADUATION

IGINIIT

INIHAYAG

PARENTS-TEACHERS ASSOCIATION

UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with