^

Police Metro

Puerto Prinsesa, dinadagsa ng mga turista

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinadagsa at dinarayo ng mga turista ang Puerto Prinsesa kaya nakamit nito ang pagiging ‘tourism boom’ sa loob ng pitong buwang panunungkulan ni Mayor Lucilo Bayron.

Sinabi ni Mayor Bayron, ang rekord sa kanilang tourism office ang makapagsasabi  na ngayon lamang nakamit ng Puerto Prinsesa ang pagiging ‘tourism boom’ na hindi nangyari sa loob ng 20 taong panunungkulan ng nakaraang administrasyon.

Ayon  sa Alkalde, nasa 367,001 na ang mga dayuhang turista ang nagtungo sa  Puerto Prinsesa mula lamang nitong July 2013 hanggang Enero ng 2014 kumpara  sa 355,805 na turista noong July 2012 hanggang Enero 2013 na panahon ng dating alkalde na si  Edward Hagedorn, na mas mataas ng 11,196.

Hinihinala ni Mayor Bayron na  pulitika ang nasa likod ng paglutang ng mga negatibo­ng ulat hinggil sa lagay ng industriya ng turismo at paglobo umano ng kriminali­dad sa lungsod kasunod ng inihaing recall petition laban sa kanya.

Hindi  nababahala si Mayor Bayron sa mga ‘demolition job  na ginagawa sa kanya ng kanyang kalaban sa pulitika dahil mismong mga residente ang hindi naniniwala sa paninira sa kanya.

Tinalo ni  Mayor Bayron ng mahigit sa 10,000 boto ang misis ni Ex-Mayor Edward Hagedorn noong nakalipas na election dahil ayaw na umano ng mga residente sa  ‘gold, guns and goons’ na uri ng pulitika sa kanilang probinsiya.

Tiniyak ni Mayor Bayron na paiigtingin pa niya ang seguridad at kaayusan sa lungsod para patuloy na dagsain ng mga turista ang kanilang  lugar makaraang itanggi mismo ni MIMAROPA Police Regional Director, Gen. Melito Mabilin ang napaulat na pagtaas ng kriminalidad sa Puerto Prinsesa.

EDWARD HAGEDORN

ENERO

EX-MAYOR EDWARD HAGEDORN

MAYOR

MAYOR BAYRON

MAYOR LUCILO BAYRON

MELITO MABILIN

PUERTO PRINSESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with