Aliwan Fiesta Shopping Bazaar muling aarangkada

MANILA, Philippines - Magkakaroon muli ng malakihang Shoppers Bazaar sa harap ng tanggapan ng Manila Broadcasting Company at Star City sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City, kaugnay ng 2014 Aliwan Fiesta na gaganapin mula ika-24 hanggang ika-26 ng Abril.

Mula pa noong 2003, inaabangan ng mga taga-Maynila at mga turistang dayuhan ang taunang pagtatanghal ng Aliwan Fiesta – ang pinakamalaking pagsasama ng mga kapistahan sa buong Pilipinas, sa ilalim ng patnubay ng Cultural Center of the Philippines.        

Kaya naman dinadayo ng mga mamimili ang kakaibang tiangge ng mga produktong sariling atin.

Ang mga interesadong magkaroon ng puwesto sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 216.6022 o sa 832-3249.

Show comments