Pinas pinuri ng Taiwan sa pagsampa ng kaso vs 8 miyembro ng Coast Guard
MANILA, Philippines - Inihayag ni Taiwanese President Ma Ying-jeou na nasisiyahan siya sa naging hakbang at desisyon ng DOJ na masampahan ng kaso at maparusahan ang 8 miyembro ng Philippine Coast Guard na responsable sa pagpatay sa 65-anyos na mangingisdang Taiwanese na si Hung Shih-cheng.
Sa kalatas na ipinalabas ng Taiwanese Ministry of Foreign Affairs (MOFA), binigyan ng komendasyon ng People’s Republic of China (PROC) ang DOJ special panel matapos ang pagpapalabas ng resolusyon na inianunsyo noong Marso 18 na sampahan ng kasong kriminal ang mga tauhan ng PCG na sangkot sa pagkasawi ni Hung sa Balintang Channel noong Mayo 9, 2013.
Ayon sa MOFA, ang paborableng ruling o desisyon ng DOJ ay maituturing nang panalo para sa minimitÂhing hustisya mula sa hanay ng pamilya ng biktima at gobyerno ng Taiwan.
Magugunita na nabahiran ang magandang relasyon ng Taiwan at Pilipinas sa pagkakapaslang kay Hung.
- Latest