Anak napikon sa ama, binaril

MANILA, Philippines - Napikon ang isang anak sa kanyang ama habang sila ay nag-iinuman kung kaya’t binaril niya ito naganap kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa tama ng bala sa kaliwang balikat ay kinilalang si Florencio Camino, 64, obrero, ng Block 4, Damata, Brgy., Tonsuya ng lungsod.

Tumakas ang  anak  na si Ramel Camino, 44, nakatira rin sa nasabing lugar.

Nabatid na kapwa lasing na ang mag-ama sa kanilang pag-iinuman nang biglang magtalo ang mga ito dakong alas-7:00 ng gabi sa hindi mabatid na dahilan.

Napikon ang suspek sa  pagtatalo nilang mag-ama kung kaya’t naglabas ito ng baril at pinutukan ang ama bago mabilis na tumakas.

Show comments