^

Police Metro

Graduation medals at trophies may lason

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natuklasan ng toxics watchdog group na may taglay na lason ang ilang medalya at tropeo  para sa graduation ang nasuri ng grupo.

Ito ang inihayag ng EcoWaste Coalition kaya’t umapela sila sa Department of Education (DepEd) sa ‘no leaded graduation me­dals and trophies.’

Natuklasan ng Eco­Waste Coalition na ginagamitan ng mga nakalalasong lead paint ang mga naturang medalya at tropeo na binili nila sa wholesale at retail stores sa Juan Luna Street sa
Divisoria at Evangelista at Ronquillo Streets sa Quiapo, Manila noong Marso 8-9.

Kabilang sa mga nasuri ay 10 generic me­dals na nagkakahalaga ng P13.50 hanggang P55 bawat isa, at tatlong basketball at volleyball trophies
na nagkakahalaga ng P300 hanggang P400, na pawang may painted designs.

Nang suriin gamit ang isang portable X-Ray Fluorescence device ay natuklasang nagtataglay ang 10 generic medals ng mula 5,965 parts per
million (ppm) hanggang 39,500 ppm na lead na lampas sa 90 ppm threshold limit para sa lead sa pintura habang ang tatlong tropeo
naman ay nagtataglay ng 5,458 ppm hanggang 11,500 ppm na lead.

Dapat anya na tiyakin ng mga school administrator at mga guro na ligtas ang kanilang mga ipinagkakaloob na reward sa
kanilang mga pinakamahuhusay na estudyante.
Ang lead ay isang to­xic chemical na kila­lang nakakapinsala ng utak, nakapagpapabawas ng katalinuhan, nakakapigil ng development at growth ng isang bata at nagiging sanhi ng problema sa pag-uugali. 

 

DAPAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISORIA

JUAN LUNA STREET

NATUKLASAN

RONQUILLO STREETS

WASTE COALITION

X-RAY FLUORESCENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with