^

Police Metro

West Cove ‘di lumabag sa 30 meters rule

Pang-masa

MANILA, Philippines - Binatikos ng management ng Boracay West Cove (BWC) ang umano’y patuloy na pamemersonal ng kila­lang brodcaster na si Ted Failon sa kanilang resort kahit hindi ito lumabag sa ipinatutupad ng pamahalaang lokal at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ‘25+5-Meters Rule’ o ang 30 metro pagitan mula sa dalampasigan.

Ayon kay West Cove chief executive officer Crisostomo Aquino, nagtataka siya kung bakit hindi sila tinatantanan ni Failon mula noong 2012 at bakit ang kanilang resort lamang ang napag-iinitan nito gayong mahigit 300 resort ang lumabag sa ‘25+5-Meters Rule pa lang.

“Giniba nila ang pinaganda at pinatibay kong mga bato gayong may mga katabi ako mismo na nagsipagtayo ng poste sa mismong tubig pero binigyan nila ng building at business permits at hindi ito natatalakay ni Failon sa kanyang programa,”  wika ni Aquino.

Nangako si Failon sa kanyang mga programa na ipasasara ang West Cove na hinihinala niyang pag-aari ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at tinawag niya noon na “Pacquiao Resort” bagamat pinabulaanan ito ng boksingero.

“Bakit ako lang ang nakikita ni Failon at ng mga opisyal ng Malay, Aklan at DENR gayong ang mga katabi kong resorts ay malinaw na may mga ilegal na estruktura pero binigyan nila ng building at business permits? Sino ang nasa likod nila para i-single out ang West Cove?” tanong ni Aquino.

Sa huling pa-survey ni Aquino, nakumpirma niyang pasok sa kanyang Forest Land Use Agreement for Tou­rism Purposes (FLAgT)  na inisyu ng DENR noong 2009 at may bisa sa loob ng 25 taon ang mga istrakturang ipinabuwag ng mga otoridad kahit may aplikasyon ito para sa temporary restraining order sa Kalibo Regional Trial Court kaya idedemanda niya ang lahat ng sangkot sa illegal demolition.

Nagtataka si Aquino na kahit may mga kaukulang aplikasyon para sa business, building at mayor’s permits ang West Cove, hindi umano ito inaksiyunan ni Mayor John Yap kahit ang nasabing resort lamang ang nag-aambag ng P90,000 kada buwan sa mga pumapasok na turista pa lamang.

Nagpadala rin ng sulat si BIR Commissioner Kim Henares sa West Cove para patunayan na sila ay nagbabayad ng tamang buwis.

 

AQUINO

BORACAY WEST COVE

COMMISSIONER KIM HENARES

CRISOSTOMO AQUINO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FAILON

METERS RULE

WEST COVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with