^

Police Metro

Tanod patay sa mortal na kaaway

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkrus ng landas ang mortal na magkaaway nang barilin ng isang magsasaka ang kaaway na barangay tanod naganap kamakalawa sa Brgy. San Agustin, Talacogon, Agusan del Sur.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Rustico Gonzales, 43, residente ng Purok Durian, Brgy. San Agustin, Talacogon ng lalawigan.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Melboy Cubol, nasa hustong gulang at naninirahan rin sa lugar.

Sa ulat, bandang alas-3:15 ng hapon ay kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang kulay pulang motorsiklong Honda XRM kaangkas ang kanilang brgy.treasurer nang harangin ng suspek pagsapit sa lugar.

Walang kaabug-abog na pinagbabaril nito ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nitong dagliang ikinamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa.

 

vuukle comment

AGUSAN

BRGY

MELBOY CUBOL

NAGKRUS

PATULOY

PUROK DURIAN

RUSTICO GONZALES

SAN AGUSTIN

TALACOGON

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with