^

Police Metro

Chinese drug traffickers gatasan... 7 CIDG na ‘Agaw bato’ tiklo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ang isang opisyal ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) at 6 civilian assets na pawang mi­yembro ng “Agaw Bato” group sa isang pagsalakay sa mismong opisina ng CIDG sa Pampanga kamakalawa.

Ang mga inarestong suspek ay kinilalang sina Police Chief Inspector Bien­venido Reydado, hepe ng Pampanga CIDG, at  6 civilians agents na sina Adriano M. Laurete a.k.a. Ambo; Arnold Sanggalan a.k.a. Arnold; Eric Reydado, pinsan ni Bienvenido Reydado; Adriano Laurete a.k.a. Andy a.k.a. Eric; Pedrito Tadeo a.k.a. Pepot at Edwardson Sisracon.

Ayon kay acting CIDG director Chief Superintendent Benjamin Magalong, na si Reydado ay isa sa mga lider ng  kanilang grupo na kung tawagin ay “Agaw Bato” syndicate na nagsasagawa ng mga pagsalakay at pag-aresto sa mga Chinese drug groups na kung saan ay kukumpiskahin ang mga armas at shabu para sa kanilang sarili.

“Ang ginagawa nila dito ay hinuhuli nila yung mga Chinese drug traffickers, kukunin nila yung drugs, kukunin nila yung pera and at the same time, papakawalan nila. Ine-negotiate nila, papa­kawalan nila yung mga drug traffickers. Kukunin nila yung mga drugs at ibebenta nila,” wika ni Magalong.

Nabatid na nagsagawa ng mga pagsalakay ang CIDG, kasama ang Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa CIDG office sa Pampanga at maging sa umano’y safehouse ng grupo sa Barangay Panginay, Balagtas, Bulacan na kung saan dito naaresto si Sisracon, na number 2 most wanted man sa  Naic, Cavite.

Nakumpiska sa pagsalakay ang 5 high-po­wered firearms, 11 pistols, rifle grenade, sari-saring magazines at mga bala, 5 SUVs, 2 motorcycles, at P2 milyon na cash sa isang vault na pinaniniwalaan ng  CIDG na lagayan ng mga shabu.

Sa nakumpiska na mga armas ay tatlo lang sa mga ito ang may lisensiya tulad ng isang pistol na nakarehistro kay Reydado habang ang dalawang M-16 rifles na nakarehistro rin kay Reydado ay magkakapareho ang serial number na pinaniniwalaang tampered at ang ibang mga baril ay pawang loose firearms.

Sinibak naman sa puwesto ang hepe ng CIDG Region 3 na si, Police Senior Superintendent Vic Valencia, dahil sa command responsibility.

Ayon pa kay Maga­long na matagal na nilang mino-monitor ang gawain ng grupo simula noong Enero na pininiwalaan nilang nagsimula ang ope­rasyon ng grupo noong Agosto ng nakalipas na taon.

Si Reydado ay da­ting kasapi ng  PDEA na kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act, subalit nadismis ang kaso at napunta sa CIDG.

Maging ang deputy ni Reydado na si Police Senior Inspector Romel dela Vega ay kasama sa arrest warrant, subalit hindi naaresto dahil nasa schooling ito sa abroad.

Ang grupo ay kakasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 1866 as amended by RA 8294 and RA 9165.

Si Reydado ay kakasuhan ng  illegal possession of firearms, infide­lity in custody of prisoners, drug traffic­king, at graft. Nahaharap din ito sa kasong admi­nistratibo.

ADRIANO LAURETE

AGAW BATO

CIDG

NILA

PAMPANGA

REYDADO

SHY

SI REYDADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with