MANILA, Philippines - “Kung papansinin po n’yo, wala po akong teleprompter itong araw na ito. Hindi ko nagustuhan ang talumpating ginawa. Kaya pagpapasensyahan n’yo kung medyo paikot-ikot ang ating talumpati itong araw na ito dahil gusto kong malaman n’yong gaÂling po sa puso itoâ€.
Ito ang sinabi ni PaÂngulong Benigno S. Aquino III sa kanyang mensahe kahapon sa mga Cebuanos kaugnay sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power revolution na ginanap sa Cebu City.
Hindi na niya babasahin ang inihandang speech ng kanyang writers dahil sa hindi niya nagustuhan ang nilalaman nito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi binasa ni Pangulong Aquino ang inihandang speech nito ng kanyang mga wriÂters mula sa Presidential Communications Strategic Development Planning Office (PCSDPO) na binubuo ng speech writers group sa ilalim ng pamumuno ni Usec. Manolo Quezon at dating pinamumunuan ni Sec. Ricky Carandang na nagbitiw sa kanyang puwesto noong Disyembre.