MANILA, Philippines - Nagdeklara ng red alert status ang Armed Forces of the Philippines sa Metro Manila kaugnay ng paggunita ngayong araw ng ika-28 taong aniÂbersaryo ng Edsa People Power 1 Revolution.
Ang People’s Power Monument ay naging instrumento ng pagkakaisa ng mamamayang Pilipino, lider ng simbahan at iba pang grupong lumaban upang makamit ang demokrasya sa mapayapang rebolusyon noong Pebrero 25, 1986 o 28 taon na ang nakalilipas.
Ang People’s Power 1 ang nagpabagsak sa rehimen ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos na may 20 taong naghari sa bansa.
Nilinaw naman ni AFP-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Ramon Zagala II na wala namang natatanggap na banta sa seguridad ang AFP bagaman nais lamang nilang matiyak na magiging mapayapa ang selebrasyon ng EDSA People Power 1.
Gayunman hindi naman kabilang sa red alert ang mga JStaff personnel at Technical Staff sa Camp Aguinaldo at tanging ang Military Police K9, Explosives Ordinance Division at Headquarters Support Company at Headquartes Service Company.