MANILA, Philippines - Tuloy na ang pagpapatupad ng truck ban sa Lunes (Pebrero 24) alinsunod sa ordinansang ipinasa ng konseho ng lungsod ng Maynila.
Subalit, magkakaroon ng ‘window hours’ sa pagpapatupad ng truck ban na simula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga kung saan magkakaroon ng ‘window hours’ mula 10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Sa nasabing ‘window hours’ papayagan ang mga truck na makabiyahe at muli na namang itutuloy ang oras ng truck ban mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi at maaari na ring makabiyahe ang mga truck sa kahabaan ng Roxas Boulevard patungong Quirino Avenue na una nang ipinagbawal. Ipinaliwanag ni Diego Cagahastian, Media Information Bureau chief na consession ay lumitaw matapos ang pagpupulong nila Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno sa mga opisyal at kinatawan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Metro Manila Development Authority, Truckers Associations, Local GovernÂment Units o LGUs at maging ang Commission on Human Rights o CHR.