^

Police Metro

Tatay ng komedyante siniguradong patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiniyak ang kamatayan ng ama ng ko­medyante/madyi­kero na si Jeffrey Tam nang ito ay paulit-ulit na sinagasaan ng hindi pa kilalang driver nang ito ay mabundol kamakalawa sa Provincial Road, Brgy. Tongko, Tayabas City, Quezon.

Ang nasawi ay kinila­lang si Alfredo Francisco Tam, 67-anyos, negos­yante, residente ng Capitol Homesite Subdivision, Brgy. Cotta, Lucena City.

Nabatid sa pulisya, na isang tinukoy sa p­angalang Gng. Encanto ang tumawag sa Tayabas City Police at iniulat ang isang duguang bangkay ng matandang lalaki na nakahandusay sa nasabing lugar.

Ayon sa ginang, dakong alas-10:00 ng gabi nang makita nito ang isang kulay dilaw na SUV Isuzu Crosswind na walang plaka na nakaparada sa kanang bahagi ng highway na nakaharap sa direksyon patungong Tayabas City.

Nakita nito na biglang pumihit ang nasabing SUV sa kaliwang bahagi ng kalsada na sinundan ng pasulong at paatras nito  na sobrang ingay na nasilip pa niya mula sa bintana ng kanilang bahay.

Ilang minuto ang nakalipas ay humarurot na patungo sa direksyon ng Lucena City ang SUV at  laking gulat nito ng makita ang duguang matanda na nakahambalang sa kalsada.

Sa eksamin ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Tayabas City Police sa lugar kanilang kinakitaan ng mga bakas ng dugo mula sa gulong ng sasakyan ang kalsada kaya’t ang  teorya nila na matapos aksidenteng masagasaan ay pinagulungan pa ng ilang ulit ng driver ng behikulo ang biktima upang tiyakin na hindi na ito mabubuhay pa.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang maaresto ang tumakas na driver.

ALFREDO FRANCISCO TAM

BRGY

CAPITOL HOMESITE SUBDIVISION

ISUZU CROSSWIND

JEFFREY TAM

LUCENA CITY

PROVINCIAL ROAD

TAYABAS CITY

TAYABAS CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with