MANILA, Philippines - Matapos na pumasa sa konseho at pirmahan kahapon ni Manila Mayor Joseph Estrada ay pasisimulan na sa Lunes ang pagpapatupad ng truck ban sa lungsod.
Ayon kay Estrada na magsisimula ang truck ban mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, maliban na lamang kung Sabado at Linggo at mga holiday.
Sa pinirmahang baÂgong batas na Ordinance 7570 (nag-aamyenda sa Traffic Management Code ng Lungsod) na matiyak ang kaligtasan ng publiko partikular na ang mga estudyante at mga nag-oopisina sa lungsod.
Nakikipagsabayan anya ang mga truck sa mga pampublikong sasakyan sa kalsada kaya’t nahuhuli sa pagpasok ang mga estudyante at mga empleyado bukod pa sa aksidenteng posibleng mangyari at ang mga malalaking truck ay nagpapasikip din ng daloy ng mga sasakyan sa lansangan.
Nakasaad sa ordinansa, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbiyahe ng cargo truck, gravel and sand truck, cement mixers at iba pang heavy cargo truck na may walong gulong na tumitimbang o gross weight na 4,500 kilograms, kasama rin ang mga tractor trailer o containerized haulers at ang lalabag sa ordinansa ay magmumulta ng P5,000.
Hindi naman kasama rito ang mga truck ng mga perishable good at truck ng government proÂject.
Nagbabala si Estrada na sakaling magsagawa ng strike o bumalagbag sa mga lansangan ng Maynila ang mga trucks ay hindi siya mag-aatubiling mangÂhuli.
Itinuturing ng mga truck owner at operator na political suicide kung tuluyang ipatutupad.
Ayon kay Ms. Mary Zapata, pangulo ng Aduana Business Club, malaÂking kahihiyan sa international shipping industry ang pinalawig na truck ban dahil lalo lamang babagal ang panahon ng pagbibiyahe ng mga mahahalagang kargamento na kailaÂngan ng iba’t ibang industriya.
Kaya’t nanawagan ito sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng DTI, at DOTC na kumilos laban sa truck ban dahil tiyak na malaking pagkaÂbawas sa ekonomiya ng bansa ang idudulot ng nasabing ordinansa.