MANILA, Philippines - Sa sobrang kalasiÂngan ng mga kalalakihang nag-iinuman ay nagawa nilang paglaruan ang isang granada na naging dahilan para ito ay sumabog na ikinasawi ng 1 at pagkasugat ng 4 iba pa kahapon ng madaling-araw sa Bato, Camarines Sur.
Nasawi noon din matapos mapuruhan ng pagsabog ang biktimang si Efren Bagasala, binata, nasa hustong gulang.
Ang tatlo sa apat na nasugatan na dinala sa Ronconada Medical Center upang malapatan ng lunas ay kinilalang sina John Paul Paran, Rommel Rumaraog at Elissa Joyce Sabirola.
Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5, bago nangyari ang pagsabog dakong alas-12:15 ng madaling araw sa harap ng bahay ng isang Eddie Pili ay kapwa lasing na ang mga biktima sa magdamag nilang pag-iinuman.
Hanggang sa maisipan na ilabas ni Bagasala ang kaniyang nakatagong M203 grenade na kung saan ay pinagyayabang niya umano ito at pinagÂlaruan hanggang sa sumabog.