Nobya ng anak minolestiya ng tatay
MANILA, Philippines - Minolestiya ng isang ama ang 17-anyos na nobya ng kanyang anak matapos itong magtungo sa bahay nito sa Rosario, Batangas kamakailan.
Nagsampa ng kaso ang biktima na itinago sa pangalan Desiree laban sa ama ng boyfriend na si Russel Gutierrez de Castro, 39, residente ng
Barangay Poblacion C, Rosario ng lalawigan.
Sa salaysay ni Desiree, dakong alas-6:00 ng gabi noong Enero 20, 2014 ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at kasintahan nito dahil sa umano’y pagbagsak ng grado ng huli sa tatlong subject.
Napilitan ang biktima na i-text ang suspek para kamustahin ang anak nito na kanyang nobyo na pinapunta naman ng huli upang kausapin ang nakatampuhang nobyo.
Pagdating ng biktima sa bahay ng suspek ay wala doon ang nobyo at dito ay pinaghihipuan umano ang una ng huli sa maseselang bahagi ng katawan at minolestiya.
- Latest