^

Police Metro

2 Canadians, Pinoy timbog sa P100-M shabu raid ng NBI

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang drug laboratory  sa isang sa Bonifacio Global City sa Taguig City kahapon na kung saan ay naaresto ang dalawang Canadian at isang Pinoy na pinaniniwalaang may kaugnayan sa Mexican drug cartel.

Kinilala ni Atty. Ruel Lasala, NBI deputy director at hepe ng anti-illegal drugs task force, ang mga naarestong suspek na sina James Riach at Barry Espadilla, pawang Canadian citizens at Pinoy na si Tristan Olazo sa inuupahang nilang kuwarto sa The Luxe Residences na matatagpuan sa  kanto ng  28th Street at 4th Avenue ng BGC.

Kinumpirma rin ng mga otoridad na sina Riach at Espadilla ay mga miyembro ng isang  crime gang sa Canada at nakulong na sa  iba’t ibang krimen na kanilang kinasangkutan.

Narekober ng NBI ang nasa P100 milyon halaga ng shabu (methamphe-tamine hydrochloride), cocaine, at “ecstasy” sa loob ng Unit 301 ng The Luxe Residences na inu-upahan ng mga suspek.

Nadiskubre rin ng mga NBI personnel ang blankong kapsula at mga  makina na ginagamit sa paggawa at pag-repack ng mga illegal drugs na mula sa Mexico.

The Luxe Residences ay isang “modern luxury high-rise apartment to-wer” na pawang tumitira ay  mga foreign dignita-ries at mga top executives ng malalaking kumpanya na ang renta ay nagsisimula sa P72,000 para sa  1-bedroom unit hanggang P211,000 para sa 3-bedroom unit kada buwan.

Inihayag din ni NBI supervising agent Augusto Eric Isidoro na ang kanilang iniimbestigahan kung konektado sa “Independent Soldiers,” na umano ay binubuo ng Canadian, Mexican at Iranian nationals na pinaniniwalaang nag-o-operate sa Greece, United States, Australia at ibang mga parte ng Asia ang mga  naarestong suspek.

Hindi na anya bago ang paggamit ng  mga illegal drug manufacturer sa mga kilalang at mayayamang subdibisyon tulad noong Enero 2012 ay isang shabu laboratory ang nadiskubre sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City na ikinaaresto ng limang Chinese nationals.

Tinitingnan din ng mga imbestigador kung konektado ang mga naarestong suspek at ope-rators sa natagpuang shabu storage sa LPL Ranch sa Barangay Inosloban, Lipa City, Batangas noong Disyembre 25 ng nakalipas na taon na kung saan ay nakasamsam sa pagsa-lakay ng pinagsamang elemento ng Phi-lippine National Police-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force, at Philippine Drug Enforcement Agency ng P420 milyon halaga ng  shabu.

Umaabot sa 84 kilos ng shabu na nakalagay sa plastic na isinilid sa apat pirasong bag at naaresto ang mga suspek na sina Gary Tan, Argay Argenos and Rochelle Argenos.

ARGAY ARGENOS AND ROCHELLE ARGENOS

AUGUSTO ERIC ISIDORO

AYALA ALABANG VILLAGE

BARANGAY INOSLOBAN

BARRY ESPADILLA

BONIFACIO GLOBAL CITY

LUXE RESIDENCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with