Para iwas ‘tabatsoy’... Hataw program inilunsad ng PNP
MANILA, Philippines - Upang maiwasan na maging ‘tabatsoy’, kaya iniÂlunsad ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang Hataw program.
Ang Hataw na ay physical fitness at sports program ng PNP na isasagawa sa Camp Crame, kung saan kabilang sa aktibidad ay ang 30-minute Zumba, 3-kilometer walk, 5-kilometer Fun Run, at 10-kilometer Biking.
Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, ang aktibidad ay magkakasunod na gagawin sa PNP national headquarters, iba’t-ibang National Support units at Police Regional Offices, pababa sa Municipal Police Stations.
Layunin anya ng aktibidad na ma-improve at mailagay sa ayos ang pangkalahatang physical well being ng mga police personnel sa kabuuan, at panatiliin ang disiplina para sa maayos na kalusugan.
- Latest