^

Police Metro

Galing relief operation sa Yolanda victims... Bus vs SUV: 6 todas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang anim katao habang lima ang nasugatan nang magsalpukan ang isang bus at sport utility vehicle sa bayan ng Juban, lalawigan ng Sorsogon noong Linggo ng madaling-araw.

Nabatid mula sa pulisya ng Bicol na lima sa nasawi ay kagagaling lang sa isang  relief operation para sa mga biktima ng super Typhoon Yolanda (Haiyan) sa Tacloban City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina bus dri­ver Danilo Montefalcon; SUV driver Rosalito Malig; Alfredo Manansala; Jaime Malabanan; Levy Erasga at  Vicente Clarito.

Habang ang mga nasugatan ay sina Ronalyn Dosa; Alvin Ruiz; Angelika Pagasertonga; Boy Navarosa; at Analiza Macapanas.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang salpukan ng Suzuki SUV (TGO-350) na mula sa  Samar at Fortune Bus (UVB-943)  na galing sa Maynila sa Sitio Hoyon-Hoyon, Barangay Bacolod ng nasabing bayan.

Ang mga bangkay ay dinala sa Hadoc Funeral para otopsiya habang ang mga nasugatan ay  dinala sa Sorsogon Provincial Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Region 5 na pareho umano nawala sa linya ang bus at SUV kaya’t nagsalpukan.

 

ALFREDO MANANSALA

ALVIN RUIZ

ANALIZA MACAPANAS

ANGELIKA PAGASERTONGA

BARANGAY BACOLOD

BOY NAVAROSA

DANILO MONTEFALCON

FORTUNE BUS

HADOC FUNERAL

JAIME MALABANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with