Umiwas sa suntukan, todas sa baril

MANILA, Philippines - Bagama’t nakaiwas sa suntukan ay hindi naman nakaligtas sa bala ang isang 53-anyos na mister nang barilin ng kanyang kaaway kamakalawa sa Brgy. Boyongan, Placer, Surigao del Norte.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Felicimo Nastor na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na pinag­hahanap ng pulisya ay nakilalang si Junevyn Batistil, 35.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang magkrus ang landas ang biktima at suspek na matagal nang magkaaway at dito ay  nagkaroon sila ng  mainitang argumento.

Hinamon ng suspek ng suntukan ang biktima, subalit tumanggi ito at tinalikuran ang una.

Nainis ang suspek kung kaya’t  binunot ang dalang baril at pinagbabaril ang biktima sa likurang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Show comments