Xmas party niratrat:1 utas

MANILA, Philippines - Nauwi sa madugo ang Christmas party ng isang organisasyon nang bigla na lamang namaril ang isang lalaki na ikinasawi ng isa katao at pagkasugat ng apat na iba pa kahapon ng madaling-araw sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Ronald Alferez, 29, residente sa lugar na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasugatan ang apat na katao na kinilalang sina Alexis Caleza, 32; mga menor-de-edad-na sina Mervin Lumimpat, 13; Arlyn Lagnasan, 9 at  Angela Princess Sistoso, 6.

Sa ulat ng Pagadian City Police, naganap ang insidente bandang ala-1:00 ng madaling-araw habang masayang nagsasayawan kaugnay ng Christmas Party ng Women’s Organization ang mga residente sa barangay hall ng Brgy. Lapidian ng lungsod.

Isang armadong lalaki ang bigla na lamang sumulpot sa lugar at bigla na lamang nagpaulan ng bala.

Nagsipagpanik ang mga residente na nagpulasan ng takbo sa ma­tinding takot sa paghahasik ng sindak ng nasabing gunman na hindi namukhaan dahilan sa madilim ang  ilalim ng puno na pinuwestuhan nito.

 

Show comments