^

Police Metro

Madugong wedding reception Brgy. tanod napatay ng kaibigang pulis...

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging madugo ang isang masayang kasalan nang mabaril at mapatay  ng isang pulis ang kaibigan nitong barangay tanod  sa wedding reception kamakalawa sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City.

Namatay noon din ang biktimang si Herman delos Reyes, nakatalaga sa palengke ng lungsod dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan mula sa   cal.9 MM caliber pistol.

Ang suspek na kinasuhan ng homicide ay nakilalang si PO2 Richard Aguilar Bumanglad, nakatalaga sa City Hall Community Assistance Center (COMPAC) ng Zamboanga City Police.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen bandang alas-2:40 ng hapon sa wedding reception sa likuran ng Zamboanga City Water District, Motorpool ay dumalo ang suspek at biktima na kapwa magkaibigan.

Habang kumakain ang mga ito sa reception area ng kasalan ay aksidenteng nakalabit ng naturang pulis ang gatilyo at ang bala ay tumama sa katawan ng nasabing biktima na duguang bumulagta at binawian ng buhay noon din sa insidente.

 

vuukle comment

BRGY

CITY HALL COMMUNITY ASSISTANCE CENTER

HABANG

MOTORPOOL

NAMATAY

RICHARD AGUILAR BUMANGLAD

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE

ZAMBOANGA CITY WATER DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with