Cabinet member ni PNoy na hindi nakalusot sa CA, muling itatalaga
MANILA, Philippines - Muling itatalaga sa puwesto ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga miyembro ng kanyang gabinete na hindi na naman nakalusot sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments.
Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., nananatili pa rin ang trust and confidence ni Pangulong Aquino kina DSWD Sec. Dinky Soliman, EnerÂgy Sec. Carlos Jericho Petilla, Justice Sec. Leila de Lima at DENR Sec. Ramon Paje.
Ang apat na opisyal ay nabigong makalusot sa kumpirmasyon sa CA at kailangang italaga muli sila ng Pangulo sa ad interim appointment habang naka-recess ang Kongreso upang umakto bilang mga kalihim.
“Patuloy po ang pagÂlilingkod nina Kalihim Leila de Lima, Ramon Paje, Carlos Jericho Petilla, at Corazon Soliman dahil buo naman po ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa kanilang paglilingkod,†wika pa ni Coloma.
- Latest