^

Police Metro

Pamamaril sa misis ni Fortun nakunan ng CCTV

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posible anya na maging susi ang kuha ng CCTV camera sa paglutas ng kaso nang pamamaril sa misis ni Atty. Raymond Fortun sa bahay nito sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Bukod dito, sinabi rin kahapon ni Fortun na may nakasaksi pa sa naganap na krimen na itinago muna ang pagkakakilanlan na nagbigay na ng pahayag sa pulisya.

Iginiit ni Fortun na siya talaga ang target ng mga salarin at hindi ang kanyang misis na inilarawan nitong isang “santo” dahil sa sobrang bait umano at walang nakakaaway.

Nasa maayos nang kondisyon sa Perpetual Help Medical Center ang biktimang si Lumen Caroline Fortun,  42, makaraang tamaan ng bala sa leeg na tumagos sa pisngi. Mistulang himala umano ang pagkakaligtas ng ginang dahil sa walang tinamaang maselang bahagi ng ulo at buto ang bala.

Sa ulat, kagagaling lamang buhat sa Simbang Gabi ng biktima at kapapasok lamang sa bakuran ng kanyang bahay sa Almanza Avenue, BF Homes, ng naturang lungsod, nang barilin ng isa sa riding-in-tandem dakong alas-8:05 ng gabi.  

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Sinabi ni Fortun na karaniwang magkasama silang mag-asawa sa pagsisimba ngunit nagkataon na may dinaluhan siyang kasalan sa Iloilo.  

Masuwerte namang agad siyang nakauwi at naabutan ang nakalugmok na asawa sa tapat ng bahay at agad na isinugod niya sa pagamutan.

Hinihinala ng abogado na may kinalaman sa kanyang trabaho ang naganap na pamamaril.   

Inamin naman ni Fortun na sa kabila ng pagi­ging maselan ng kanyang trabaho, nagkulang siya sa seguridad sa kanyang ta­hanan.  Ngayon, pinahigpit na niya ang pagbabantay sa tahanan at maging sa kanyang pamilya.

ALMANZA AVENUE

FORTUN

LAS PI

LUMEN CAROLINE FORTUN

PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER

RAYMOND FORTUN

SIMBANG GABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with