^

Police Metro

Guro kinidnap sa Zambo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang guro sa pampublikong paaralan ang dinukot ng tinatayang walo hanggang sampung armadong kalalakihan kamakalawa sa Sitio Paraitan, Brgy. Limaong, Zamboanga City.

Ang biktma ay kinilalang si Cathy May Casipog, 23, guro sa Sibogtok Elementary School sa Limaong Island.

Batay sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon ay kasama ng biktima ang mga kapwa  guro na sina Michel Falca­santos, 28 at Mencie Vegilia, 24 sa pump boat ng isang Akram Lauki, 19 pauwi sa kanilang bahay.

Pagsapit sa Sitio Paraitan ay hinarang sila ng mga armadong suspek at tinutukan ng baril ang biktima at  kinaladkad pasakay sa isa sa dalawang pumpboat  na tumahak sa direksyon ng Eleven Islands.

Ang mga kidnapper ay lulan ng dalawang pumpboat na may tatak na Sangali na may pinturang puti at dilaw.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad upang mabatid kung anong grupo ang responsable sa pagbihag sa biktima.

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa Brgy. Limaong , ­Tumitus at Taguiti ; pawang ng Zamboanga City para sagipin ang biktima at arestuhin ang mga kidnapper.

 Pinaghihinalaan na mga bandidong Abu Sayyaf Group na kilalang notoryus sa kidnapping for ransom sa Western Mindanao, subalit maliban sa mga ito ay may iba pang grupo ng mga kidnapper na nag-o-operate sa lugar.

 

ABU SAYYAF GROUP

AKRAM LAUKI

BRGY

CATHY MAY CASIPOG

ELEVEN ISLANDS

LIMAONG

SITIO PARAITAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with