Obrero pisak sa pader
MANILA, Philippines - Nasawi ang isang obrero na kinilalang si Danilo Bagasbas nang madaganan siya ng pader na kanyang ginigiba kahapon ng umaga sa Quezon City.
Batay sa ulat, nasawi ang biktima ganap na alas-8:30 ng umaga sa may bahay ng isang Armado Endaya na matatagpuan sa Gen. Alejandro St., Brgy. Bagong Silangan.
Nabatid na kinuha ni Endaya ang biktima at iba pang obrero para gawin ang kanyang bahay.
Naatasan ang biktima na gumiba sa matandang pader sa bahay ni Endaya at ilang sandali nang gibain ng biktima ang pader ay aksidente itong dumagan sa kanya.
Isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center, subalit idineklarang dead on arrival.
- Latest