Dura-dura at Laglag Barya Gang’ aktibo ngayong Kapaskuhan

MANILA, Philippines - Nagbabala si Quezon City Police District (QCPD) Director Gene­ral Richard Albano sa publiko na maging alerto at doble ang gawing pag-iingat sa masasamang loob tulad ng mga mi­yembro ng “Dura-dura Gang at Laglag Barya Gang” na aktibo ngayong Kapaskuhan.

Anya, hindi makakaya ng mga kapulisan na bantayan ang buong paligid ng lungsod, kaya sa tulong ng mga mamamayan ay mas mapapadali ang pagtugon nila sa mga nangangailangan.

Pangunahing puntirya ng nasabing mga gang ang mga mataong lugar, at pampasaherong jeepney at bus kung saan batid nilang may potensyal na biktima.

 

Show comments