^

Police Metro

Sawi sa pag-ibig rumesbak... mag-asawa, anak na buntis pinatay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Rumesbak ang isang lalaki na sawi sa pag-ibig nang pagbabarilin nito ang tatlong mi­yembro ng isang pamil­ya kabilang ang da­ting kasintahan na anim buwan buntis naganap kahapon ng umaga sa Navotas City.

Namatay noon din ang mga biktima na kinilalang sina Cecilio Dinolang, 55-anyos, dating traffic enforcer; misis na si Rosa Leticia, nasa hustong gulang at  18-anyos nilang anak na si Jocelyn, na anim buwan buntis at  pawang nakatira sa Ever­lasting St., Barangay      San Roque ng naturang siyudad.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na agad tumakas matapos mapatay ang mga biktima ay kinilalang si alyas Jeje, na nakatira din sa nasabing lugar.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kagigising lang ng pamilya, dakong alas-7:30 ng umaga nang mabungaran nila ang suspek na nasa loob ng kanilang bahay at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, na malaki ang galit ng suspek sa mga magulang ni  Jocelyn, dahil ito umano ay tutol sa kanilang relasyon kaya’t nagkahiwalay sila na hindi nito matanggap.

Madalas umanong bungangaan ang suspek ng ina ni Jocelyn sa tuwing ito ay dadalaw sa bahay.

CECILIO DINOLANG

JEJE

JOCELYN

MADALAS

NAVOTAS CITY

ROSA LETICIA

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with