Karnaper patay sa shootout

MANILA, Philippines - Napatay sa shoo­t­out ang isang lalaki na umano’y karnaper nang ito ay makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa suspek na naka­la­gak  sa  Candido Funeral Homes.

Sa imbes­tigas­yon, dakong alas-4:00 ng mada­ling-araw nang makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na tinangay ng suspek ang motorsiklo ni Rhoel Inocencio kaya’t  nagsagawa ito ng Oplan Sita.

Habang nakalatag ang checkpoint sa kaha­baan ng  A. Fernando St., Barangay  Marulas ay namataan ang suspek na walang helmet kaya’t  pinahinto ito, subalit mabilis na pinaharurot ng suspek.

Hinabol ng mga pulis ang suspek at pagsapit sa R. Delfin St., ay nakorner ito kung kaya’t nagbunot ng baril at pinutukan ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis  at napatay ang suspek.

 

Show comments