‘ADIZ’ ng China ikinabahala
MANILA, Philippines - Ikinabahala ni Defense Secretary Voltaire Gazmin sa pagtatag ng kontrobersyal na Air Defense Identification Zone (ADIZ) ng China sa East China Sea na pinalagan ng ilang mga bansang kaalyado ng Pilipinas.
Ang pahayag ni Gazmin ay bilang susog sa sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na isang banta sa regional security ang ADIZ ng China na ikinagalit naman ng Japan.
Nagpadala na rin ng warplanes ang China sa idineklara nitong ADIZ na iginiit na normal air patrol lamang ito.
Sa ilalim ng ADIZ, inoobliga ng China ang mga dayuhang aircraft na dadaan sa kanilang defense zone na magpakilala at makipagkoordinasyon muna bagay na iprinoprotesta ng Japan na sinuportahan ng South Korea, at iba pang mga bansa.
- Latest