4 Abu napatay sa engkuwentro
MANILA, Philippines - Nasawi ang 4 bandidong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang makasagupa ang pinagsanib na elemento ng pulisya at Philippine Marines sa Pata Island, Sulu kamakalawa.
Batay sa ulat, bandang alas-2:00 ng hapon nang magsagawa ng security operations ang tropa ng pulisya at militar sa karagatan ng Pata Island matapos na makatanggap ng impormasyon na itinatago ng mga ito ang mag-asawang PilarÂdo, barangay chairman ng Brgy. Landugan at misis nitong si Saharina Francisco, isang guro sa pampublikong paaralan.
Una nang humingi ng P15M ransom ang mga bandidong kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa mag-asawang bihag.
Ang mag-asawa ay kinidnap ng walong armadong kalalakihan na nakasuot ng fatigue uniform sa pagitan ng karagatan ng Lantawan at Maluso, Basilan noong Nobyembre 16.
Dito ay naglunsad ng operasyon ang mga otoridad at habang ginagalugad ang lugar ay nasabat ang apat na bandidong Abu Sayyaf Group na sakay ng isang pump boat na humantong sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
Gayunman, nabigong matagpuan sa Pata Island ang mag-asawang Francisco na ayon sa opisyal ay posibleng nailipat na ng taguan ng mga kidnaÂper nang matunugan ang presensya ng papalapit na mga operatiba ng pulisya at militar.
- Latest