^

Police Metro

Taho vendor nang-hostage ng 6 katao

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinostage ng isang taho vendor ang anim na katao na kinabibilangan ng apat na bata dahil umano sa problema sa kanyang misis at may balak umanong pumatay sa kanya kahapon sa Taguig City.

Umabot ng higit tatlong oras bago nailigtas ng mga otoridad ang apat na bihag sa kamay ng hostage taker na si Rael Aquino, alyas JR, ng Tenement, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali nang pasukin ng suspek ang ikatlong palapag ng bahay ng pamilya Subilio na matatagpuan sa Block 11, Lot 17, Brgy. Pinagsama ng lungsod at hinostage ang anim na biktima na nakila­lang sina Tristan Subilio, 15; mga kapatid nitong sina Luis, 13; Bonbon, 10; at 2-anyos; pinsan na si Diane, 18; at 30-anyos na yaya na si Mae.

Nabatid na unang nagtungo ang suspek sa bahay ng isang Virgie Benjamin at dito ay humingi umano ng tulong sa problema sa kanyang misis at may humahabol umanong la­laki na papatay sa kanya.

Nang hindi pansinin ni Benjamin ay pumasok ang suspek sa bahay ng mga Subilio at hinostage ang mga biktima. 

Dakong alas-4:00 ng hapon nang buksan ng salarin ang tangke ng gas sanhi upang mag-panic ang mga hostage kung kaya’t nagpasya ang ama ng mga bata na si Von na pasukin ang bahay at   nakipambuno sa salarin na armado ng patalim.

Sumunod na rin ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics unit at nadakip ang  hostage taker.

vuukle comment

BRGY

RAEL AQUINO

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

SUBILIO

TAGUIG CITY

TRISTAN SUBILIO

VIRGIE BENJAMIN

WESTERN BICUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with