^

Police Metro

Paggisa ng senado kay Janet mapapanood ng taumbayan

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Masasaksihan ng taumbayan ang gagawing pagsisiyasat ng Senado kay Janet Lim Napoles, ang itinuturong utak ng P10 bilyon pork barrel scam.

Ito ang sinabi ni Senate Sergeant-at-Arms Jose Balajadia Jr., dahil  public hearing ang mangyayari, puwedeng pumasok at manood ang publiko bagaman at lilimitahan dahil mahigit sa 300 lamang ang puwedeng pumasok sa plenaryo ng Senado.

Sinabi ni Balajadia na papairalin ang “first come-first serve basis” sa pagpapapasok ng mga gustong sumaksi sa hearing.

Magdadagdag aniya ng mga upuan sa session hall upang mas marami ang makapanood sa pagharap ni Napoles.

Taliwas sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona, hindi na umano magpapalabas ng ticket ang OSAA para sa mga nagnanais na maupo sa loob ng session hall.

Hindi rin umano papayagan ang mga nakatayo sa loob ng session hall at hindi na papapasukin ang mga wala ng mauupuan.

Ipinaalala rin ito na ang papayagan lamang na makapasok ay ang mga nakasuot ng shirts na may collar at nakasapatos at hindi papayagan ang mga naka-tsinelas at naka-shorts.

ARMS JOSE BALAJADIA JR.

BALAJADIA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

IPINAALALA

JANET LIM NAPOLES

MAGDADAGDAG

SENADO

SENATE SERGEANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with